Wednesday, February 27, 2013

Skip the dream 10

Masarap magkaro'n ng kahit isang araw lang ay makakasama mo yung taong importante sa buhay mo. Sa isang lugar na kayo lang, walang problema't hadlang na maiisip dahil ang buong mundo'y nakikisama lang sa paghahasik n'yo ng kasiyahan ng isa't-isa. Kung pwede ko lang mahiling ang isang pangyayari gamit ang mga Dragonballs, sa instant na hiling ko ay sasaya na ako agad.

UNPUBLISHED

Tuesday, February 26, 2013

Bilang Tsismoso

Ito ay narinig ko lang sa kung saan pero pwede n'yo ding isipin na ako'y nagiimbento lang.


Si Boy1 ay nagkaroon ng hot-seat session ng hindi inaasahan kasama ng isang kaibigan.

Boy1: Oi pare. kamusta?
Boy2: Hoy, halika nga dito, ikaw ang dapat kong kamustahin. Balita ko may nililigawan ka daw, nakita ka ng isa kong barkada sa Mall, may kasama ka.

Boy1: Sigurado ka ba pare ko?, baka naman Nanay ko lang yung kasama ko nun haha.
Boy2: Habang naglalakad kang may ka holding-hands?

Boy1: Haha grabe tol, OO NA pero 'di ko yun girlfriend, kaibigan ko lang.
Boy2: Kaibigan lang??... Sa umpisa lang yan, ituloy mo na.

Boy1: Ituloy, e parang wala pa naman yata akong nasisimulan.
Boy2: E ano naman, hindi mo ba type?, wala ka bang plano?, hindi mo ba mahal?, wala ka bang nararamdaman?

Boy1: Daming tanong... Ewan ko kasi e, baka hindi ako ready o baka s'ya yun hindi handang saluhin ako.
Boy2: haha grabe, saluhin??.. ANG MAKATA MO TALAGA TOL!!!. Pero kung ako sa'yo, kung gusto mo s'ya, go na!!!

Boy1: Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan sarili ko tol.... Nakikita ko kasi sa kanya na inaaswang pa din s'ya ng ex n'ya. 'Yun bang hindi pa din s'ya nakaka move-on. Dehado ako dre, baka may nararamdaman pa s'ya dun. Pa'no kung dumating yung time na dineretso ko na s'ya tapos biglang sumingit yung mokong? E di naiwan akong naka nga-nga, mukhang malaki pa din yata yung chance na magka-balikan sila gayong naiisip parin n'ya e.
Boy2: Kawawa ka naman, anu kaba. Edi turuan mo s'yang mag move-on. Gawin mong paraan yung sarili mo para makalimutan n'ya yung mokong na 'yun... teka, gwapo ba yung mokong?

Boy1: Hahaha, gwapo pare, artistahin wahahaha. Kaso loko-loko, ang dami nang nabiktimang babae, yun ang balita ko. Kainis nga e hahahahaha. Naaagrabyado tuloy tayong matitino, nahihirapan na tuloy magtiwala sa'tin ang mga babae.
Boy2: Hahaha Ikaw?, matino???. biro lang, oo nga e. Dapat yung mga ganyang mokong payakapin sa cactus nang nakahubad, tapos ibalot yung katawan sa twalyang puno ng langgam.

Boy1: Grabe ka tol, pero oo, naiinis ako dun....... Pero nasasaktan ako tol, alam ko kasing ang dami nang nangyari habang wala ako, iniisip ko tuloy, matutumbasan ko ba yun?.  
Boy2: Alam mo tol, hindi mo kailangang tumbasan lahat, kaya mo naman gumawa ng bagong memories kasama s'ya. Ang importante kung magiging kayo, kayo lang, wala nang iba.

Boy1: Hahahaha may point ka, handa naman akong mahalin s'ya at pasayahin s'ya araw-araw. Natatakot lang ako na baka hindi ako mabalikan ng mabibigay ko. Baka ako yung matalo sa huli, baka maiwanan din ako. Baka kasi kahit handa akong ibigay ang lahat, pero dahil nasaktan na s'ya dati, hindi na s'ya ganon ulit magtiwala sa mga kagaya natin.
Boy2: Naku pare, masakit masaktan. Kung ayaw mong umaray, e di wag mong sugurin yung laban na alam mo namang handicap sa'yo. Pero kung handa din naman s'yang ibigay sa'yo ang lahat at mahalin ka din nya pabalik. Pare naka-jackpot kana. Alam ko namang kagaya mo din ako, hindi na natin kailangan ng super-chix, basta yung mapapasaya at mamahalin din tayo, ayos na.

Boy1: WOW!!!, ikaw naman ngayon ang naging makata? haha. KOREK, dahil handa naman tayong tumupad ng mga pangako hahaha. Sana makita n'ya ako na kinabukasan n'ya hahaha
Boy2: Hahaha ganyan lang, wag kang magisip ng mga bagay na mamomroblema ka.

Boy1: Sana rin tol makalimutan n'ya na yung mokong na 'yun. At sana din mag move-on na s'ya hahaha
Boy2: Hahahahahaha yang pagmu move-on naman ay nasasa-kanya. Kung gusto din naman nyang makabangon mula sa nakaraan, kaya naman nya. Gawin lang nya yung dapat gawin, wag na syang mag-atubili pang mag-alinlangan. Dahil kung Gusto may paraan at kung ayaw may dahilan. Minsan kasi iniisip lang na mahirap, pero kapag nasimulan na, hindi na nya mamamalayan na nakalimot na s'ya.

Boy1: Anyway tol, salamat sa usapan, nakakabusog ng utak haha.
Boy2: Ayos lang, basta ikaw. Ano tara? Basketball?
Boy1: one on one? GAME!!
.................



Lumipas ang tatlong buwan matapos ang malalim na usapan nina Boy1 at Boy2, nagkatuluyan din silang dalawa....... Haha joke. Naging masaya na si Boy1, niligawan n'ya si babae at naging sila narin sa wakas. Nangako naman ang babae na hindi na lilingon pa sa iba at handang mahalin si Boy1 magpakailanman. Ang sarap diba?. Kung hindi mo iintindihin ang mga sagabal, yung mga masasayang bagay lang ang mangyayari at mararamdaman mo.

Good-vibes mga kaibigan, saluhin n'yo lahat.
Thanks for Reading

Thursday, February 7, 2013

What will be posted soon?

ISANG MAGALING NA ARAW IV
Dahil ang tagal-tagal ko na talagang pinaplanong sundan ang Isang Magaling na Araw 3 sa loob ng ginawa kong series ng ISANG MAGALING NA ARAW. Balak ko sanang masundan na ang third installment ng ginawa kong mga kwento ngayong February. Well, katamaran lang magsulat ang kalaban ko sa tagpong ito. 

Bukod din kasi sa Isang Magaling na Araw 4 ay may matagal na 'kong draft sa aking Notebook na isang kwentong wala pa ring pamagat. Ang tagal kasi ng oras na ginugugol kong naka-upo sa harap ng computer ngayon kumpara noon na nakukuha ko pang magbasa sa mga ilang oras at malibang sa mga ilang bagay.

ANG SAKALING AKING GRADUATION SPEECH
Well, ito ang matagal ko nang plano, syempre gagawin ko nanaman s'yang comedy. Bilang 4th year College, siguro kailangan ko rin balik-tanawin ang mga naging buhay ko bilang mag-aaral mula noong pumasok ako ng Kinder noong ako'y 5 years-old pa lamang.

Ayun, sana magawa ko nalang lahat to.

Thanks for Reading.

Wednesday, February 6, 2013

Ang konsiderasyon sa pagmamahal, sa aking palagay. At ang karapatdapat bigyan


First posted at: http://angpanyosabulsangmakata.blogspot.com

Magsisimula ang ating talakayan sa kung pa'no ba tatagal ang isang relasyon. Marami ang naniniwala na may hangganan ang bawat relasyon..... Pero para sa akin, nandoon 'yan sa mga taong sangkot dito, kung pipiliin lang nilang maging Endless Love ang kanilang samahan.

Ang daming hiwalayan na nagaganap, ang dami din kasing mga gago na hindi marunong makuntento sa kanilang kapareha at nakukuha pang maghanap ng iba.

Pero kailan ba natatapos ang isang pagiibigan? hmmm?. Well, siguro natatapos lang ang isang relasyon kung aayaw ang magkaparehas sa isa't-isa o kaya'y ayaw na ng isa. Ang una kong scenario ay hindi malimit mangyari; dahil kalimitan naman kasi na ang isa sa dalawang tao sa loob ng isang relasyon ang kalimitang nagiging sanhi ng hiwalayan.

Ang mga umaalis nang mga walang dahilan ang s'yang nagpapatunay na napakaraming bugok na tao ang nabubuhay sa mundo. Dapat talaga silang lipunin at bigyan ng bakasyon sa Spraty Islands, sa totoo lang.

Anyway, bakit ba kasi naiisip ng isa na humiwalay?. Minsan nagiging kumplekado ang mga bagay-bagay,  sa aking palagay. Ang "pagsasawa" ay hindi kasama sa rason ko. Dahil sa aking tingin, nakukuha lang namang bumitaw ng isang tao sa isang relasyon kung siya ay nasasaktan na. Maraming rason kung bakit nasasaktan bukod sa pagka-dapa't pagkakaro'n ng sugat. Minsan nakukuha lang namang masaktan ng isang tao kung lambis na s'yang umaasa. 

Ganito kasi 'yan, ang konsiderasyong bagay ay papasok ngayon dito. Isipin nalang natin na ang mag-karelasyon ay si A at B.
Gusto lang naman kasi ng isang tao ang maging masaya ang lahat, maging masaya kasama ang kanilang kapareha at sana'y mapasaya din sila ng pipiliin nilang karelasyon. Minsan, umaabot kasi sa puntong gumagawa ang tao ng mga bagay na sinisiguro n'yang mapapasaya ang kanilang A. Pero ang problema minsan, hindi umaabot na nasusuklian ni A ang ibinibigay ni B. Doon nagkakaroon ng tinatawag na UNFAIR condition. Kasi tungkulin dapat ng magkapareha ang pasayahin ang isa't-isa sa abot ng makakaya. May isang lyrics nga sa isang kanta: "Gagawin ko ang lahat pangako mo lang; 'di ako iiwan". E paano kung si B lang ang may motto na ganyan?, ayun lopsided na. Ang pagsusukli sa pagpapasaya sayo ng isang tao ay maganda mong gawin kung gusto mo ng matatag na relasyon. Dahil kung ang isa lang ang magbibigay, at aasa s'ya sa wala. Doon s'ya tatamaan ng sakit ng pagkukulang kung kaya pwede s'yang mang-iwan. Take Note: Naaagapan yan ng pagdedesisyon.

Isa sa mga sangkap sa matitibay na relasyon ay ang mga sincere na tao.
Sila 'yung may mga kakayahang patunayan ang forever,  yung kayang magtagal sa isang relasyon at tutuparin ang pangakong hindi iiwan.

Pa'no mo pagbibigyan ang isang hiling?.
Idaan natin 'to sa isang kiss. Natural na mas gusto nating i-kiss ang mga taong karapatdapat at yung syempre; magiging totoo't tapat sa'yo sa inyong magiging pagsasama. Ngunit mahirap makakuha ng isang tao na mayroong mga nasabi kong aspeto.
Pero eto ang mga halimbawa kung pa'no mo malalaman na s'ya na nga. Ito ay sa aking palagay lamang.

Kung ang kapareha mo ay humiling ng kiss at hindi mo napagbigyan, natural lang na pilitin ka n'ya ng pilitin. Ngunit kung dadating ang panahon na magagalit s'ya dahil hindi mo naibigay ang gusto n'yang makuha. Asahan mong s'ya ay maling tao. Baka dumating sa puntong sapakin ka na n'ya at murahin dahil ang pakipot mo. Pero tama naman ang ginawa mo. 'Wag mong piliin ang mga ganoong tao, hindi sila karapatdapat.

Pero kung ang kapareha mo ay naghintay sa kanyang hiling, at kung makuha n'yang tiisin ka sa iyong pagkapakipot. Sila talaga yung mga karapatdapat. Dahil sa totoo lang, ang paghihintay ng isang inaasam na bagay ay sobrang sakit sa kalooban, ang makuhang harapin ang mga hapdi ng paghihintay ang s'yang masasabi nating sincere. 'Wag mo lang s'yang paaasahin, dahil kung ang paghihintay nga ay mahapdi sa puso, ang umasa sa wala ay nakakagunaw naman ng buto. Maging wais din, malalaman mo naman 'yan sa mga sinasabing salita ng tao kung s'ya ay tunay at tapat. kailangan mo lang magtiwala at hayaang mangyari ang dapat na ikasasaya mo. Pero saglit, paalala, ang bawat paghihintay ay may kalakip na pasensya, 'wag mo lang hihintayin ang punto na mapagod s'ya kung hindi, mamimiss mo lang ang chance.

ANG MGA KARAPATDAPAT.
Sila nga 'yung mga sincere, tunay at tapat. Koonti nalang sila mga kaibigan, narito ang posibleng katangian:
Tanggap ka ng buong-buo, tumutupad sa mga pangako, tapat sa mga salita, ang may kakayahan na pasayahin ka, natitiis ang iyong kaartihan pero 'wag mong kasanayan ang pagiging maarte dahil may hangganan ang bawat pasensya. At syempre ikonsidera mo ang kanyang background, ang mga bagay kasama ang kanyang huling relasyon o kaya'y pananaw niya sa buhay.

At para naman sa may mga tinga pa ng ampalaya sa puso, hoy, 'wag na kayong magpakalulong sa nakaraan, para sa'n pa ang pagpapaka-emo sa sarili kung wala namang patutunguhan kundi sakit lang ulit ng kalooban. Move-on move-on din. Tulungan mo ang sarili mo na makabangon, pa'no ka sasaya kung iaasa mo lang ang desisyon mo ayon sa natikman mong pait ng nakaraan?. OO mahirap magtiwala ulit, pero DAPAT kang magtiwala sa dapat na pagkatiwalaan mong tao kung gusto mong sumaya.

Pagdating sa buhay, piliin mo lang kung saan ka magiging masaya. Hindi importante ang problema, oo dadaan yan pero panandalian lang. Pipiliin mo pa bang maging malungkot kung may paraan naman para lumigaya ka?. Nasasa'yo yan pero isipin mo lang 'to: "Ang mga mararamdaman mo ang magiging resulta ng mga desisyon mo".

At kung gusto mo namang lumigaya ang buhay mo, kapag sakaling may dumating na sincere sa buhay mo, 'wag mo nang palayuin pa, 'wag ka nang madaming iniisip pa, masisira lang ang ulo mo d'yan. Kung nakikita mo na kung saan ka mas sasaya, dapat DOON KA. Tandaan, konti lang yan sa mundo, 'wag hayaang dumaan lang ang opportunity. Isaalang-alang mo din 'to sa pamamagitan ng bagong kanta ng Never the Strangers: BAGO MAHULI ANG LAHAT.

Salamat po sa pagaaksaya ng panahon.
-Skip the Dream IX-

Sunday, February 3, 2013

Ang mga nagpapa-LIKE sa Facebook, nakakainis o hindi?

Sa tinagal-tagal ng panahong nage-exist ang profile ko sa Facebook, marami na akong napunang nag-bago sa kanilang features. Mula sa nagkaroon ng sound kapag may nag-chat sa'yo at ngayon pati yung notifications may tunog na din.

Pero ang minsa'y nakakairita, e yung nagcha-chat na may dalang virus at 'yung mga nagpapa-like lang. Anyway, depende sa message nung nagpa-palike kung nakakainis sila o hindi. may iba kasi; na kaya nakakairita, matapos mo na ngang pagbigyan ang pabor nila, hindi man lang makuhang mag Thank You.

Eto ang mga example ng mga nagpapa-like sa'kin:


Iba't ibang istorya, may mga nagpapa-like ng profile-picture minsan yung mga kanilang Status. Ngeks?, hindi ba dapat sa mga gano'ng part, kusa nalang ang pagla-like. Kung makubuluhan o nakakatawa naman ang post mo, panigurado namang may magla-like d'yan. Maliban nalang kung wala kang friends. kaya kung ippm mo pa ang mga online-friends mo, parang undeserved lang yung mga makukuha mong compliment mula sa like. Kumbaga, PILIT LANG.

Ang nakakainis din kasi, yung mga hindi man lang marunong mag-PLEASE kung humingi ng pabor, parang yung nasa chat no. 2 lang sa picture. >_< Isa pa 'yung sobrang dami ng process, pampaubos ng oras, ang tagal pa mag-load ng site dahil App ang destination ng URL. juskopo, TIME IS GOLD. 

Pero wala namang masamang magpa-like e, pero sana yung paraan na gagamitin, yung nakakapag-palubag loob na bigyan ng like. Halimbawa nalang nitong isa kong friend:


Oh, gumagamit pa ng "PO", talagang mae-encourage kang pagbigyan ang hiling nila, at hindi lang 'yun. pina-bless pa 'ko kay God, kaso Good bless ang pagkaka-spell n'ya, pero yun naman talaga dapat e XD.

Anyway, yun lang.
Thanks for Reading!!!!!! 

Thursday, January 31, 2013

Skip the Dream 8

Hmm, naka sampung blog-post na pala ako ngayong January. RARE. Last year kasi hindi umaabot ang bilang ng mga pinopost kong article na ganitong kadami sa loob ng isang buwan. May mga pagkakataong isang post lang ang nagawa ko in one month.

Anyway, Skip the Dream nanaman ang bina-blog ko. Ito yung mga post ko na wala namang tinutukoy na on-trend topic bukod sa nararamdaman ko lang. Sabihin ko nang; ang series na 'to ang labasan ko ng damdamin haha. Kaya parang Diary lang s'ya at hindi s'ya publishable o pinopost ko s'ya dito sa Blogger pero hindi ko s'ya ini-spread sa Twitter, Facebook at Google +.

Haha ayun, ang installment naman ng series na 'to ngayon e madugo XD. madugo pa dun sa mas previous na post, pero naka-get over na ko dun by realization. May mga bagay talagang pwede mong makuha at may mga bagay na hindi. Minsan kahit maghintay ka, mapapagod ka lang, at pwede ring masaktan. Kasi kung hindi naman talaga pwede, hindi talaga mangyayari. Pilitin man dahil gustong-gusto mo s'ya, 'pag walang pagkakataon, wala ka nang magagawa kundi pabayaan nalang na wala na talaga s'yang pag-asang mangyari. Salamat nalang sa isang taong sobrang close sa'kin ngayon. Sa isang iglap lang, ang dami kong nakonsiderang bagay, mga bagay na kailangan lang tanggapin, kahit mahirap, pero dahil kailangan. Kasi kung hindi mo gagawin, mas masasaktan ka lang, kasi umaasa ka. Pero nagawa n'ya yun nang 'di sinasadya xD. 

Anyway, may iba pang bumabagabag sa'kin kasi nitong nakaraang tatlong gabi. Nakakainis, tatlong gabi akong napupuwing dahil sa iniisip kong 'to hahaha. Napatunayan ko din talaga na kapag tumulo ang luha eh may susunod na sipon XD

Ayun, ramdam ko na may malaking pagbabago na paparating :').
Minsan kasi hindi alintana sa mga tao na may dala silang problema. 'Yung nagpapabagabag sa kanila tuwing gigising sila sa umaga, 'yung magpapaisip sa kanila ng kinabukasan kung sakaling maging mag-isa sila. Totoo 'yung quote na: "Lahat tayo may mga problema, magkakaiba lang yan sa pagdadala."..... 'Yun, sang-ayon ako d'yan. Depende talaga sa bigat nung dala mo, kasi do'n na nagkakaiba ang lahat. Tulad ko, nahihirapan talaga akong ilipat yung channel ng TV namin kapag walang remote, kapag kasi ginagamit namin ang buttons ng mismong TV kapag yung CH ang ililipat, yung VOL yung naga-adjust. hihi Joke Time.

Pero ang totoo, marami talagang taong mapagpanggap. At baka isa ako do'n?? Isa akong masayahin, palabiro at parang walang pinoproblemang tao sa tingin ng iba, 'yan ay sa tingin ko lang ha. 

Pero honest 'kong sasabihin na seryoso din naman akong tao. Kasi mahirap na, hindi din kasi sa lahat ng oras, madadaan sa biro ang mga bagay-bagay. Pero sana nga, minsan wini-wish ko na sana pwedeng i-joke nalang yung mga nangyare, para pwedeng ipawalangbahala nalang. Kasi ang masakit sa Realidad, kapag nangyari na, wala ka nang magagawa na baguhin pa, hindi mo na kasi mababalikan yung panahon.

Walang oras na naging madrama ang Facebook status ko, hindi rin ako masyadong melancholic sa mga tweets ko sa Twitter. Pero hindi ibig sabihin na kapag ang isang tao hindi naglalabas ng problema, kumpleto na ang buhay n'ya.... Ang sakit din kasing magpanggap lang, ang sakit ding magkimkim lang. Kasi masakit ding aminin na pinipilit ko lang magpaka-saya.... Minsan nililikom ko lang yung ligaya na pwede kong makuha kase kung hindi, masasayangan ako sa oras..... Ayokong lilipas yung araw na wala akong tawa..... Nagagawa kong hindi nalang isipin ang problema, dahil ayokong maubos yung natitira kong oras.... Ginagawa ko ang lahat para hindi ako mamroblema't malungkot..... Sinusulit ko ang mga bawat sandali na pwede akong magpaka-saya, dahil alam kong dadating yung time na, hindi ko na rin magagawa kung ano man yung nagagawa ko ngayon, na magbabago na ang lahat sa takbo ng buhay ko sa isang pangyayari lang. At natatakot akong hindi ko na ulit mabalikan pa kung anuman yung mga maaapektuhan nito.

Sa ngayon, gusto ko lang gugulin yung mga susunod pang araw na pwede pang dumaan na masaya ako. Gusto ko lang mapunan yung bag ko ng fulfillment para bago man ako sumabak sa giyera, may baon ako. Ang dami kong ginagawang istorya sa isip ko na hinihiling kong mangyari s'ya isang araw, hopefully :). At gusto kong kung mangyari man yung kinakabahala ko, mangyari s'ya na handa ako at kaya ko s'yang harapin. Hindi mo kasi minsan mapipigilan ang isang bagay, paghandaan mo na lang 'to, lalo na kung pwede kang masaktan dito. Kaya kapag nand'yan na, kailangan mo nalang s'yang tanggapin.

UNPUBLISHED

Monday, January 28, 2013

SKIP THE DREAM VII

Mapagbigyan

Hindi ko makuha ang nais at wala akong magawa,
Nakakalungkot lang isipin na ang makukuha ko ay wala.
Ngayo'y pansamantala kong nararamdaman ang hangin ng pagka-bigo,
Maghapon kong iniisip ang isang bagay nang walang hinto.
At patuloy na umeepekto upang ang isip ay magdamdam,
Sa hiling kong parang kailanman na yatang hindi na mapagbibigyan.

OO, tanggap ko, tinatanggap ko, at tatanggapin kong pilit,
Kahit aminadong masasaktan sa tuwing gabi na ako'y pipikit.
Minsan may mga bagay na hindi mo maipapaliwanag nalang basta,
Dahil kahit sa sariling isip mo'y naguguluhan ka.
Kailanma'y hindi pa ako umasam ng lubos,
Sa pagkakataon kasing ito; ang pagkagusto ko ay may kahalong selos.

Alam ko din na ang gusto ko ay hindi gano'n kadaling ibigay,
Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong umasa at mag-antay.
Dahil sa bawat araw na lilipas ay maiisip kong meron nang nauna,
Oras-oras sinasaktan ako ng pagkainggit at pagkadismaya.
Sana'y napapawi nalang ang lungkot ng pakikinig sa mga kanta,
Upang kahit panandalia'y magkaro'n ng panahon na masasabi kong may saya.

At ang ngayon ay lilipas na wala man lang nagbago
At dadaan ang mga oras na ako'y maiinip sa'yo,
Ang pag-asa ko sa sarili'y unti-unti nang nauubos,
Nakakapagod din kasing minsa'y umasa ng lubos.
Iiwanan ko ang tulang ito na mangangakong magaantay,
Pero sana wag naman masyadong matagal ang paghihintay.

Isang tanong na lang ang sa tingin ko'y para sa'kin ay natitira. 
Kapag ako'y nabigo pa'y tiyak na madudurog nalang basta.
Akin itong titipirin para itanong sa naiisip kong panahon.
Ngunit sana'y sa mga oras na 'yon,
Hindi na ako madapa't makatanggap na ako ng magandang tugon.

Unpublished

Sunday, January 27, 2013

Bakit hindi pwedeng mag-seryoso ang palabirong tao.

Bakit hindi pwedeng maging seryoso ang palabirong tao?. Actually, pwede naman, 'yun nga lang, may mga advantage at disadvantage.

Parang ganito: isa kang kilalang palabirong nilalang sa eskwelahan, palagi kang nagpapatawa, lahat ng salita may biro, may halong jokes at kwela ka sa lahat ng mga ginagawa mo. At bigla kang nagbago, bigla kang tumahimik, hindi ka na kumakausap ng mga dati mong kakulitan, ano na?. Maaaring hindi ka parin nila kilalanin na seryoso kahit seryoso kana talaga sa pagkakataong 'yon.

Well, hindi ko maitatangging isa din ako sa mga palabirong tao sa mundo. Makikita din siguro yan sa mga ilang blog-post, tweets at facebook statuses ko. Pero pa'no kung sinabi kong seryoso din akong tao?, Maniniwala ka ba?, Siguro para sa mga kaklase ko, hindi. Hindi nila kasi ako kilalang gano'n hahaha. Iba rin ang pagkakakilala sa'kin ng mga naging kaibigan ko sa Facebook at Twitter gayundin sa personal. Pati narin ng mga driver ng mga nasasakyan kong baby-bus at Tricycle at tulad na rin ng tindero na nagtitinda ng Buko-Shake sa bayan, na suki na ako.
Wait, balik tayo sa pagiging palabiro ko hehe. Kung ii-scan mo ang 216 comments na nalikom ko mula sa  first quarter ng taong 2011 hanggang sa kasalukyan. Ganito ang mga posible mong mabasang komento.
Hindi mawawala ang salitang "hahaha" at yung mga komentong natawa daw sila.

Hihi, ang mga komento talaga ang nagpapataba ng puso naming mga bloggers, sa makatuwid ang mga nare-receive naming mga positibong comments ang nagmomotivate sa'ming sumulat pa ulit ng mga isusunod naming post XD

Pero may uri ng comment ang pinaka-gusto ko. 'Yung mga tipong ganito ba:




Kaya salamat sa lahat ng mga nakaka-appreciate :))

"Iba ang marunong magbasa sa masipag magbasa at daig pa rin ng mga mahilig magbasa ang mga taong puro arte lang." :))

Salamat sa Pagbabasa.