Wednesday, July 6, 2011

Ibalik Muli ang Sugarfree

After 12 years of KULET songs "Sugarfree" one of my favorite OPM band decided to disband.

Ebe Dancel (vocals/guitars),
Jal Taguibao (bass/back-up vocals) and
Kaka Quisimbing (drums)
Isang gabi habang ako ay nagcocomputer ay narinig ko sa TV namin ang balitang nagdisband na ang Sugarfree noon pang March 1, 2011 at nagdecide na din si Ebe ang kanilang vocalist na maging Solo-Artist  

Nung marinig ko yun ay para akong nanghihinayang isa kasi sila sa mga OPM bands na hinahangaan at pinakikinggan ko. Katunayan nga ay habang ginagawa ko 'tong blog na 'to ay mga kanta nila ang nadidinig ko.

At masasabi ko ngang ang mga kanta nila ay bahagi ng nakaraan ko oh nakaraan mo din. at marahil ang mga kanta nila ay inawit mo din? natawa ka din ba sa mga Lyrics ng "Nangangawit" at "Kung Ayaw Mo na sa Akin"? naging lullaby mo din ba minsan ang kanta nilang "Tulog Na"?. pero eto sure ako, na kahit hindi ka fan nila ay alam mo pa rin ang chorus ng "Makita Kang Muli". diba?.

Pero marahil din sa impluwensiya ng K-POP at ibang foreign artist ay natabunan na sa isip ng mga ibang pilipino ang mga kantang nabanggit ko. at sa tingin ko din dahil sa mga gadgets ngayon na may mp3 wala ng nakakaisip makinig ng kanta sa Radyo. inaamin ko na ang Sugarfree ay isa din sa mga unNoticed great band dito sa Pinas at maraming hindi nakakakilala sa mga kanta nila pero sa mga makakabasa nito ako na ang nagsasabi kahit itry mo lang pakinggan subukan mong iplay sa youtube ang kahit isang kanta nila. at habang ginagawa mo 'yon isaisip mo ang bawat mga linya at tumingin ka sa title ng kanta baka marahil makilala mo na sila.

para sa mga gustong maghanap ng kanta nila irerecommend ko ang mga best songs nila sa playlist ko.
- Kwarto - Makita Kang Muli - Tulog Na - Kung Ayaw Mo na sa Akin - Nangangawit - Hari ng Sablay - Dear Kuya - Wag Ka ng Umiyak - Hay Buhay - Wala Nang Hihilingin -

At naniniwala din pala ako na si Ebe Dancel(kanilang vocalist) ay isang modernong makata. Makikita niyo naman at mapapatunayan kapag inyong pinakinggan ang mga kanta nila habang tumitingin sa Lyrics. kaya 'ko nga nagustuhan ang Sugarfree eh dahil sa mga kanta nila na talagang tumutugma sa anumang aspeto ng buhay. 

 Sugarfree's best Lines in their songs:
                 "Di mo lang alam, dala mo’y ligaya kung marinig mo ang tibok ng aking puso sinasabing habang ika’y kapiling, wala na akong hihilingin"
                                        --Wala nang Hihilingin--

"Sa dami dami ba naman ng gustong malimutan, ikaw pa ang naiwan sa puso't isipan"
                                                 --Hangover--

                   "Kung ayaw mo na ako Leche lalong ayoko sa'yo" 
                               --Kung ayaw mo na sa Akin--

"Patawarin mo ako kung ang kinikilos ko, ay kabaliktaran ng tunay na nadarama ko"
                                        --Nangangawit--

"Ikaw ang gabay sa aking tuwina ang aking ilaw sa gabing mapanglaw, tanging ikaw"
                             --Makita Kang Muli--

At bago matapos ang aking blog ay magiiwan ako ng isang kanta nila, hindi siya Single kaya maraming hindi alam itong kantang ito, ngayon 'ko nga lang ito nalaman at habang pinapakinggan ko ito ay...... naluha ako fvck! hahaha! whatever eto siya guys try to listen :D
FAREWELL  Sugarfree
Thanks for reading