Fiesta ulit sa amin kahapon ang saya talaga, sana araw araw na lang yung mga ganitong kaganapan. May pasok ako nung umaga kaya inagahan ko ang pag-uwi para naman makanood ako ng Karakol sa Hapon. Nakakuha pa ako ng mga larawan sa parada.
Kailan-man Hindi ko pa nakakaligtaanng makanood nito, 'di naman ako masyadong relihoso pero gustong gusto ko talagang nakakakita ng mga ganitong tradisyonal na pagdiriwang
Eto pa. Umaga pa lang mukhang masama na ang panahon parang naghihintay na lang mapuno ang ulap ng tubig para bumuhos ang ulan pero hindi 'yon nangyari hanggat hindi pa nakakabalik ng Simbahan ang patron namin.
Isa sa mga main attraction oh yun bang highlights na tinatawag ay yung 'pag tanggal ng Andas sa mahal na ina na si Nuestra SeƱora Virgen del Rosario de Caracol.
Thanks for Reading!