PINOY KA KUNG KAHIT MAY PROBLEMA KA NA NAKUKUWA MO PANG TUMAWA |
oopz Pinoy ako siyet!
Failed grade, problema yun diba? kabilang yata ako sa mga estudyanteng nanganganib na 'di makapasa sa isang Major Subject ngayong 1st Sem. Kapag nakakaranas ka ng kaba na nararamdaman sa mga ganitong sitwasyon maraming bagay ang pumapasok sa iyong isipan. mag suicide? 'wag naman. siguro yung mga bagay na hindi ka mapakali kasi natatakot kang malaman ng mga magulang mo na tagilid ka na sa isang subject mo. Natatakot kasi tayong masigawan at mapagalitan kasi alam naman natin na kapag nangyari nga eh yung negative side lang natin ang mapupuna.
Yung Feeling na ang sarap murahin ng professor, kaya lang ayokong gawin baka kasi lumapit ang karma.
Sa mga oras na ganito eh dalawa ang posibleng mangyari pagkatapos makuha ang grade. Kung pasa ka edi success kung hindi naman ay baka hindi kana makatuntong pa ng susunod na semester sa school.
Payo lang no, kung sakali man na hindi tayo makapasa ay wag naman masyadong isipin baka magkadiperensiya pa sa utak mas mahal ang pagamot kesa sa Tuition ng isang Subject. kumuha ka lang ng mga Positive Vibes tapos matulog ka para mapanaginipan mo yung mga oras na nakatawa ka at hindi yung mga oras na frustrated ka.
Haay pero syempre iisa lang ang pwedeng magdikta nang lahat, Bro, kayo na po ang bahala.
TFR!