Sunday, September 25, 2011

4th place is not bad, Hats off to our National Team Smart Gilas

Kung ikaw ay isang Basketball fan o Basketball lover sa Pinas siguro ay pinanuod o napanood mo ang mga laro ng National team nating "Smart Gilas Pilipinas" maliban na lang kung talagang wala kayong channel 13 sa TV niyo. kahapon lamang  may pag-asa ang Gilas para makapasok sa Finals ng Fiba-Asia pero ayun kinapos pawang may konting malas po sila sa kanilang mga shooting. at hindi na nga po sila pinalad na makapasok sa Finals pero may pagkakataon pa naman para makalusot papunta sa 2012 London Olympics ang manalo sa Battle for 3rd para maging pangatlo sa rangking ng Fiba-Asia.

Lamang ang Pilipinas sa unang bahagi ng laro subalit talagang malakas po talaga ang South Korea team. hinabol po nila ang kalamangan ng Gilas hanggang sa tuluyan na nga silang lumamang sa dulo hanggang sa puntong ito. 69-68 ang score lamang ang Korea ng isa nakatingin ang lahat sa TV (siguro). at may pagkakataong mabawi ang lamang ng Pilipinas sa pamamagitan ng dalawang napakaimportanteng free-throw ni Kelly Williams. subalit talaga yatang hindi nakaguhit sa tadhana na magkaroon ng pagkakataong makatapak sa Olympics ang Pilipinas. ilan pang mga free-throw ang sana ay nakapagtabla o nakapagpanalo sa Gilas ang hindi pumasok sa ring. at natapos na nga ang laro sa score na 70-68 panalo ang Korea sa lamang na dalawang puntos.

Nakakapanglungkot, nakakapanghinayang, o sabihin na nating "We're bleeding inside because of that loss". alam naman natin ang ginawa ng Gilas para maabot ang lugar kung nasaan man sila ngayon. ginawa nila ang lahat para manalo pero talagang hindi pa nila pagkakataon ngayon.

Nakakainis lang kapag nakakarinig ka ng mga linya na nagsasabing "walang pag-asa yan", "asa pang manalo yan diyan" tapos sa kapwa pinoy mo pa maririnig. Nakakairita di'ba? Ang kalimitang nagsasabi niyan eh yung matataas yung standard. na pag sinabing Basketball eh NBA lang ang pinapanood nila at wala silang pake kung ano man ang nangyayare sa Basketball sa Pilipinas. Ibig sabihin talaga nila eh no-match ang mga pinoy sa mga banyaga.

Kung ikaw eh nagiisip ng mga ganyang bagay eh Huwag mong sasabihin na Basketball fan ka dahil NBA fan ka lang. Hindi mo kasi tinitingnan ang mga bagay na dapat mong isa-alang alang kapag ikaw eh nagoobserba. napakalaki kasi ng pagkakaiba ng mga lahi ng tao lalo na sa "height". tapos ipagkukumpara mo yung mga Basketball players ng Pinas kay Jordan o kay Kobe na para bang pantay lahat. kung hindi pa rin nagegets ng mga taong yun tong mga sinasabi ko eh subukan na lang nila na i match-up nila ang sarili nila nang suntukan kay Mayweather.

Pero bago to matapos eh sasabihin ko muna na isa ako sa mga sumasaludo sa "Smart Gilas Pilipinas" the journey doesn't end here losing is just another path. One that a team must take.

Yun lang
Thanks for Reading!