Wednesday, September 7, 2011

Yung Pakiramdam na..... Awkward Moment

Itong mga nakaraang araw eh ang dami kong nakikitang mga quotes na ang start line eh "Yung Feeling Na" at ang pinakasikat sa lahat ng nabasa ko eh yung quote na to "Yung Feeling na,,, Alam mo pero di mo maexplain" oh naman sigurado ako na nabasa mo din yan diba? kung hindi pa eh simulan mo ulit basahin tong blog na to mababasa mo ulit yun panigurado :D.

Pero kaya nga sumikat yan eh talaga naman may pakiramdam na ganyan maeexperience mo yan minsan sa mga exam na essay ang dapat na sagot. pati mararanasan mo talaga yan kung alam mo sa tagalog pero di mo maexplain sa English. at marami pa, marami pang feeling na pwede mong irugtong sa linya na "Yung Feeling na.." eto oh magbabanggit ako ng ilan.. 


"Yung Feeling na.... Akala mo patay na buhay pa pala" yan nararamdaman yan pagkatapos mong batuhin ng tsinelas yung ipis. akala mo patay na kasi nakatihaya pero nagalaw galaw pa ang mga paa. 
"Yung Feeling na.... nag GM ka di ka pala unli" eto kadalasang nalalasap ng mga taong exited beh parang may memory gap na nakakalimutan pang magregister eh 5/7 days namang ginagawa. pero minsan talaga eh Network ang may kasalanan niyan. minsan kase ang bilis dumating ni 8888, kaya minsan inaasahan mong dumating na yung confirmation kaya napapahamak ka ayun tapyas ang load.
"Yung Feeling na.... Sigurado ka sa sagot mo, bago wala palang pangalan yung Test Paper mo" 
minsan ganito pa..
"Yung Feeling na... Nangopya ka sa matalino pero bagsak ka pa din sa Exam" oh may mga nangyayari na ganyan. ang cause niyan eh yung common error sa pangongopya nangyayari yan kung letter lang ang mga sagot. kunwari yung pagkakasunodsunod A,A,B,C,D,A,B (12-18 dapat) kaso nalagay mo sa 13 yung unang A ayun damay lahat ng kasunod.

Pero pano kaya kung ang mangyari sayo eh ganito:
"Yung Feeling na.... lumapit sa'yo crush mo taz sinabi pakopya ng sagot mo" mateturn-off ka kaya? haha
Oh kaya eto:  "Yung Feeling na... naeexplain mo pero hindi mo alam." meron ba nito??

"Yung Feeling na" yan yung other way para sa "The Awkwad Moment" parang parehas lang din eh no? pero mas seryoso yung mga quotes na Awkward Moment gaya nito:
"The awkward moment when you finally work out the answer to a question, and then it isn't even one of the answer options."
"The awkward moment when you don't want to come out of your room because there are strangers in your house."
"The awkward moment when your friends comment in your Facebook status gets more likes than the actual status."

pero pwede din gawing joke eh parang ganito ba:
"The awkward moment when your PE teacher is fat."
eto pa "The awkward moment when you are Pushing a PULL door."
"The awkward moment when someone starts singing a song you were just singing in your head."
"The awkward moment when you are telling the truth but you laugh during it and everybody thinks you're lying."
pero ang talagang madalas mangyare:
"The awkward moment when you just enter your room and forget what you wanted."

ohh diba?? ohh yun lang po
Thanks for Reading!