Tuesday, September 27, 2011

May mga bagay sa Bibliya na kahit scientist hindi maekspleyn.

Yan ang eksaktong title sa column ni Ka-Ambo sa isang tabloid na nabasa ko noong Linggo. Hanga ako dito sa columnist na to eh galing niyang sumulat tungkol sa mga nangyayari sa paligid natin kaya eto isashare ko tong isa pa niyang sinulat.

---
NAG-UUNAHAN ang mga scientist sa iba't ibang inobasyon at imbensiyon na mag-uugat sa pagkakatuklas ng ANTI-MATTER at NEUTRINOS.

Ang anti-matter ay sisira sa mga kapaniwalaang agham, maraming bagay ay mapatutunayang mali.

Maraming AKLAT ang babaguhin.

Bibilis ang mga IMBENSIYON.

Ang "anti-matter" ay ang tinatawag dati na "GOD'S PARTICLE".

Kasi ay ito ang tunay na prinsipyo ng paglikha o "SIMULA" ng lahat ng bagay.

Nakumpirma na ng mga scientist ang ANTI-MATTER na siyang ORIHINAL na "particle" kung paano nalikha ang UNIVERSE.

Walang anumang paliwanag ang siyensiya kung ano ito.
Pero, nakapagtatakang ang BIBLE ay mayroong malinaw na paliwanag kung ano ang ANTI-MATTER.

Narito ang sitas sa banal na kasulatan: "In the beginning was the Word, and the Word of God, and the Word was God. He was in the beginning with God. All things were made through him, and without him was not anything made that was made". (John 1: 1-3).

Sa punto ng relihiyon at doktrina, ang tinutukoy dito ay si HESUKRISTO na nagkatawang tao (nagkatawan, ibig sabihin ay naging "matter" at humalubilo sa mga tao). At dahil si Kristo at ang Diyos ay iisa, Siya rin ang mismong Diyos sa Simbahang-Katoliko, Siya rin ang ISPIRITU (hindi nakikita ng mga mata) at siya rin ang DIYOS AMA.

Iyan ang misteryo ng TRINITY na nananatiling isang MISTERYO.

Alam naman nating lahat na ang mga sitas sa BIBLIYA ay umaapaw sa "TALINGHAGA" kung saan ang mga termino o kataga o parirala o pangungusap ay sumisimbolo lamang sa isang "DIWA" o KARUNUNGAN o sa wikang English ay "WISDOM".

Ang "WISDOM" na ito ang taglay ni Haring Solomon kaya kinilala siyang PINAKA MATALINONG TAO na nabuhay sa ibabaw ng daigdig.

Ngayon, ang WISDOM na ito ay "magkakasamang natuklasan" ng mga scientist, siyempre, kasabay ng pagkakatuklas na ito ay maraming pambihirang imbensiyon ang madidiskubre, kabilang na rito ang GAMOT sa kanser at pagtuklas mismo sa loob ng laboratory kung ano ang "KALULUWA".

Gayunman, ang sikretong ito ay maaaring gamitin sa mabuti at masama.
Ibig sabihin kasi ng ANTI_MATTER ay maaaring magamit ito sa "PAGLIKHA" siyempre, kasama rin ang PAGWASAK o PAGGUNAW sa mundo.
by: Ka AMBO
---

oh ano ang pananaw mo sa nabasa mo?? :D
ako naniniwala din ako sa pagkawala ng lahat dahil marami na ngang patunay na mangyayari ito pero ikaw, nasasa'yo kung paniniwalaan mo o hindi. ang hindi lang malaman ay kung sa paanong paraan 'yon mangyayari.

Thanks for Reading!