Owner: Jimmy Dumlao. fb > http://goo.gl/4m75T9 |
Maraming nahirapan, na-perwisyo, na-guluhan o kung ano mang salita ang sabihin, basta marami ang namroblema sa ipinatupad na bus-ban sa Maynila.
Sabi ng iba, okey lang yan. kelangan ding mag-sacrifice para sa ikabubuti ng marami. eyng? E pano kung MARAMI din yung hindi nabubutihan dito?.
Pero tama naman, minsan kailangan din ng mamamayan na maki-sakay, maki-sabay at maki-isa kung ang magiging epekto naman ay magiging maganda.
Subalit pa'no mo masasabing maganda kung maraming nagsasabing napeperwisyo sila?.
Yung iba kasi, imbis na isang sakayan nalang, kelangan pang maglakad ng malayo at sumakay ulit ng ibang sasakyan. E pa'no na 'yung mga estudyanteng kelangang humabol sa exam o kaya'y late na nga, mas lalong male-late pa. Pa'no na yung mga disabled?. Pa'no na yung may mga dalang mabibigat?. Pa'no na yung mga matatandang hindi handa dito?. At pa'no na yung sakto na nga yung baon at pamasahe tapos ngayon magigipit pa?.
At nakukuha pa ng iba na mamilosopo at basta nalang mag-magsalita na 'mag-adjust kayo'.
Nga naman. napaka-dali kasing magsalita at mag-payo lalo na kung hindi ka naman kabilang sa nahihirapan. Napakadali namang magsalita sa topic lalo na kung hindi ka naman nagko-commute at prenting-prenti ka lang na nahahatid ng air-con mong oto.
"Napatupad sa ibang bansa e, bakit hindi natin ipatupad satin?" - MMDA Chairman Tolentino
At ang sabi ng iba?: Problema sa iba hindi marunong magsakripisyo, mag-dorm nalang kayo para di ma-late.
Reality Bites!. Hindi naman kasi porket pwedeng ipatupad sa Hong Kong o saan mang bansa ang isang sistema ay pwede na din sa Pinas.
Mabuti sana kung gaya ng Hong Kong at Korea e wala ding nagje-jaywalking satin.
Mabuti sana kung gaya nga ng ibang bansa na pinanggagayahan ng sistema na 'to e may sariling bus-stop din ang mga public-vehicle dito sa Pinas. At yung hindi ka maliligaw gaya sa Hong Kong kahit magpatransfer-transfer ka dahil masyadong organize ang lahat ng paraan para makarating ka sa patutunguhan mo.
Mabuti sana kung lahat ng driver dito sa Pinas ay masyadong disiplinado at hindi yung makakakita ka ng jeep na nagbababa ng pasahero habang sakop ang dalawang lane ng kalsada.
Mabuti sana kung ang lahat ng estudyanteng epektado e afford na mag-dorm or condo.
Mabuti sana kung maglalakad ka ng malayo e walang lalapit sa'yo para hablutin ang bag mo.
Mabuti sana kung sa paglalakad sa gabi ng mga estudyante at empleyado ay walang magdidiklera ng holdap sa kanila at hindi ka iiwanan ng holdaper na may gripo sa katawan.
Mabuti sana kung lahat ng jeep e pwede kang maging komportable sa pagsakay at hindi yung amoy mo na ang kili-kili ng katabi mo, may gana pang mag-sakay ng isa.
Mabuti sana kung sa loob ng walumpu't anim na libo't apat na raang segundo e 'visible' ang police visibility.
-
Kung sana mas maayos yung inibang sistema. Yung tipong walang masyadong magte-take ng risk sa mga pagsakay. Yung mas ligtas ka sa sasakyan mo. Yung hindi masyadong magiging mahal ang pamasahe. Yung masyadong convenient at walang kapalit na pahirap sa iba. Edi sana wala nang aalma.
Higit pa sa kung anuman. Nasa pagiging disiplinado pa din naman ng bawat Pinoy ang lahat. Dahil kung nung una palang ay sumusunod ang bawat-isa? at kung walang pasaway sa lansangan?. Edi sana hindi napansin na bus ang may kasalanan at hindi naipatupad ang bus ban.
Salamat sa pagbabasa