Ang korni naman ng MMDA. gustong i-apply ang sistema ng batas-trapiko ng Hong Kong at Los Angeles sa Pinas.
Sana naisip din nila na ang isa sa problema din ng trapiko sa maynila e yung disiplina ng mga nagmamaneho ng mga kanya-kanyang sasakyan.
E makakakita ka ba naman kasi ng mga public vehicle na nagbababa ng pasahero sa gitna ng 4-lane na kalsada sa Hong Kong?. Hindi, dito lang yan!.
Kaya din naman nagkakaro'n ng traffic e dahil nga maraming sasakyan. Di naman kasi si Optimus Prime yung mga truck na para lumuwag ang kalsada e pwedeng mag-transform.
Puro taxi at double-deck na bus kasi ang meron don at disiplinado pa silang magbaba sa mga itinalagang bus-stop. Dito kasi pinagbawal na ng RA-Law na magkaron ng mga matatangkad na bus. Nakakasagabal kasi sa serbisyo ng Meralco.
Photo from: http://goo.gl/SGlu1 |
Sabi ni Chairman Tolentino e, kung napapatupad sa ibang bansa ang sistema, bakit hindi gawin sa Pinas?. Hala, dapat maisip din n'ya na mas maraming sasakyan ang meron sa kalsada ng Pilipinas. Madali nadin kasing makakuha ng driver's-licence ngayon sa bansa natin e. Dedma na kasi ang LTO na pwedeng magkaron ng mga adik na driver ngayon dahil dito > http://goo.gl/Ue5Qa
Pero ayos din yung pinatupad nila para sa mga trailer-trucks. Yung sa madaling-araw nalang yung biyahe?. Bawas na nga sa traffic sa umaga, kikita pa ang Nescafe. Ayos, double purpose!.
HAHAHA. At kitang-kita sa larawan sa taas na muntik nang 'di magkasya ang isang double-deck na bus sa isang over-pass sa Maynila noong 1980.
Ang daming overpass ngayon na useless na. Yung overpass kasi sa ibang lugar e nagiging tindahan ng mga pirated DVDs at tinapa.
Hindi pa kasi palaganapin ng Pamahalaan ang mga underpass sa'tin. Tinatamad ba silang maghukay?. Kung ganon e daig pa sila na mga magnanakaw na mat'yagang maghukay hanggang makapunta sa ilalim ng isang pawnshop.
Salamat sa Pagbabasa, hanggang dito nalang muna :)