Photo owned by: Joana (Classmate) |
Walang humpay na dasal, pagninilay-nilay at matataimtim na pakikipagusap lang ang ginawa namin, para makapag-reflect ng maayos. Gusto kasi naming panatilihing tahimik at mapayapa ang luga........................ Hep
Pero ang totoo talaga, walang humpay na kain, kain, kain, kain, kain, kain, kain, kain, kain at KAIN ang ginawa namin. Wala naman kaming magagawa, nakahain eh.... At may kasabihan ngang: "'Wag tumanggi sa grasya.". Kaya, subo, nguya, lunok hangga't gusto at kaya pa ng tiyan.
Anyway, unang-unang experience ko 'to ng isang retreat, hindi kasi ako sumama nung Highschool ako...... Pero ngayon ansarap sa pakiramdam, kung pwede sanang magpa-extend pa.
Gano'n pala kapag kasama mo sa dalawang malalamig na gabi ay ang mga kaibigan at Classmates mo lang. Walang napapanooran na TV at nakakapang Keyboard ng computer pero hindi mo parin nagawang ma-bored.
Gano'n pala matulog kung saan maririnig mong humilik ang iba't ibang lalamunan galing sa mga katabing kwarto.
Gano'n din pala ang experience kapag sa biyahe n'yo pauwi ay may live-boy-band kang kasama sa bus. Mula sa mga kantang; "Ako ay masaya kapag kasama ka", "kasama natin ang Diyos" at ang most repeated song na "In moment like this" na talaga namang saktong-sakto sa scenic view ng Taal.
Kaya Bro, salamat sa lahat ng mga taong naging parte ng retreat, mula sa mga chaperone, sa aming motivational speaker at sa mga tagapagluto. At sa hinain saming pagkain mula sa Pancit, Siopao, Turon, Paksiw na Oink-oink, Skinless Longanisa at iba pa.... na talaga namang nagpakulo sa tiyan ng iba. XD
At ang ending; umalis kami ng retreat house na maraming nakain, na may pictures at syempre, napulot na aral. =)
"If you don't want something, change it. If you can't change it, change your attitude. Don't complain."
Balik realidad na ulit bukas.
Thanks for Reading.