Ang aking pampalipas oras; ang pagbabasa ng komiks na mahigit dalawang taon ko na yatang kinokoleksyon. Labing-pitong libro na ang aking nalikom sa series ng Pugad Baboy Comics, habang dalawamput-anim ito lahat-lahat para makumpleto.
Taong 2010 ako unang nakapag-basa ng babasahin na 'to, binili ko ang Pugad Baboy 18. Tandang-tanda ko pa ang panahon kung kailan ko ito binili, ni hindi pa talaga ako mulat sa pagbabasa ng kahit anong libro noon maliban sa pagbabasa ng Tabloid na meron kami araw-araw sa bahay. Naisipan ko lang na isama 'to sa bibilhin ko kasama ng isang libro ng SODOKU, malakas ang loob ko na bilhin ang libro na 'to dahil kasama ko naman ang aking Ina nung mga oras na 'yon kaya kampante akong s'ya ang magbabayad. hehe
Deh, pero talagang binili ko s'ya dahil naisip ko rin naman na wala namang masama kung may pagkakaabalahan kang bagay na hindi naman ilegal, diba?. At idol ko kasi si Nobita sa Doraemon, minsan kasi na may episode ang palabas na 'yun na tawa siya nang tawa kakabasa ng isang komiks. kaya na-encourage din akong bilhin ito para naman sumaya ang buhay. XD
AAMININ KO, hindi ako agad nasiyahan sa pagbabasa ng librong nabili ko.
Nung nabasa ko kasi ang mga una n'yang pahina ay nakaramdam ako ng pagka-inip. Dahil ano ba 'tong topic nila na hindi ko maintindihan?. Ilang linggo din siguro na hinayaan ko lang na nakapatong sa ibabaw ng TV ang libro at hindi ko ito binabasa. Parehas siguro sa pakiramdam ng ibang sumusubok humiram ng libro ko. Nagdadala din kasi ako sa Baste ng ilang libro minsan at ilang kaklase ko ang sumusubok bumasa at sinasabihan nila itong KORNI.
'Yun din ang aking pananaw noong una, HANGGANG!!, may biglang dumapong kasipagan sa katawan ko at ako'y na-enganyong basahin na ng tuluyan ang libro. Wala din naman kasi akong ginagawa kaya ayun, inakyat ko ang libro sa kwarto at binasa, bago ako matulog. Inabot yata ako ng alas-dose bago talaga ako kunin ng antok. Tonginu, first time kong natawa nung gabing iyon sa librong ito. Hindi ko alam na ganito pala ang kakaibigang humor ng librong binabasa ko at hindi mo talaga malalaman kung hindi mo babasahin ng mabuti at hindi iintindihin.
Hindi ko naman natapos ang libro sa isang gabi lang, pero ganon pala, 'yun pala, kailangan mo lang maglaan ng oras para basahin 'to nang maintindihan. May kanya-kanya kasing pananaw at matibo ang bawat character sa kwento na pumapaloob sa bawat strips at pahina ng librong-komiks na 'to.
Iba-iba din kasi ang pagkakalikha ng author sa bawat character ng nilikha n'yang mundo sa pamamagitan ng Pugad Baboy. May kanya-kanya kasing topic ang bawat isa, gaya ng politika, mga tambay sa kalye, pagka-conyo ng mga pinoy, pagkakaroon ng colonial mentality at yung iba n'yang patama sa Gobyerno na hinahaluaan n'ya nalang ng jokes para masaya. haha
At simula no'n, pinlano ko nang bumili pa ng ibang libro, at ginawa ko na nga. Nakalikom na ako ng 17 na libro sa ngayon, ang pinaka The Best sa kanila para sa'kin ay ang Pugad Baboy 8, ang dami kasi n'yang strips na with COMEDY. Minsan nga'y dumadating din sa punto na nagbabasa ako tuwing gabi habang tahimik na ang palagid at ako'y tumatawa pa rin. XD
Hindi ko naman itatanggi na malaki ang impluwensya ng Pugad Baboy sa pagba-Blog ko. Sa paraan ng pagsulat palang at sa mga pabiro kong linya na minsan n'yo ding mapapansin kung magbabasa kayo ng mga nagawa kong akda. At hindi ko rin naman mapipilit ang iba na magbasa, may kanya kanya kasing sense-of-humor ang mga tao kaya hindi pwedeng pare-parehas kayo ng gusto.
Thanks for Reading!!!