Hmm, naka sampung blog-post na pala ako ngayong January. RARE. Last year kasi hindi umaabot ang bilang ng mga pinopost kong article na ganitong kadami sa loob ng isang buwan. May mga pagkakataong isang post lang ang nagawa ko in one month.
Anyway, Skip the Dream nanaman ang bina-blog ko. Ito yung mga post ko na wala namang tinutukoy na on-trend topic bukod sa nararamdaman ko lang. Sabihin ko nang; ang series na 'to ang labasan ko ng damdamin haha. Kaya parang Diary lang s'ya at hindi s'ya publishable o pinopost ko s'ya dito sa Blogger pero hindi ko s'ya ini-spread sa Twitter, Facebook at Google +.
Haha ayun, ang installment naman ng series na 'to ngayon e madugo XD. madugo pa dun sa mas previous na post, pero naka-get over na ko dun by realization. May mga bagay talagang pwede mong makuha at may mga bagay na hindi. Minsan kahit maghintay ka, mapapagod ka lang, at pwede ring masaktan. Kasi kung hindi naman talaga pwede, hindi talaga mangyayari. Pilitin man dahil gustong-gusto mo s'ya, 'pag walang pagkakataon, wala ka nang magagawa kundi pabayaan nalang na wala na talaga s'yang pag-asang mangyari. Salamat nalang sa isang taong sobrang close sa'kin ngayon. Sa isang iglap lang, ang dami kong nakonsiderang bagay, mga bagay na kailangan lang tanggapin, kahit mahirap, pero dahil kailangan. Kasi kung hindi mo gagawin, mas masasaktan ka lang, kasi umaasa ka. Pero nagawa n'ya yun nang 'di sinasadya xD.
Anyway, may iba pang bumabagabag sa'kin kasi nitong nakaraang tatlong gabi. Nakakainis, tatlong gabi akong napupuwing dahil sa iniisip kong 'to hahaha. Napatunayan ko din talaga na kapag tumulo ang luha eh may susunod na sipon XD
Ayun, ramdam ko na may malaking pagbabago na paparating :').
Minsan kasi hindi alintana sa mga tao na may dala silang problema. 'Yung nagpapabagabag sa kanila tuwing gigising sila sa umaga, 'yung magpapaisip sa kanila ng kinabukasan kung sakaling maging mag-isa sila. Totoo 'yung quote na: "Lahat tayo may mga problema, magkakaiba lang yan sa pagdadala."..... 'Yun, sang-ayon ako d'yan. Depende talaga sa bigat nung dala mo, kasi do'n na nagkakaiba ang lahat. Tulad ko, nahihirapan talaga akong ilipat yung channel ng TV namin kapag walang remote, kapag kasi ginagamit namin ang buttons ng mismong TV kapag yung CH ang ililipat, yung VOL yung naga-adjust. hihi Joke Time.
Pero ang totoo, marami talagang taong mapagpanggap. At baka isa ako do'n?? Isa akong masayahin, palabiro at parang walang pinoproblemang tao sa tingin ng iba, 'yan ay sa tingin ko lang ha.
Pero honest 'kong sasabihin na seryoso din naman akong tao. Kasi mahirap na, hindi din kasi sa lahat ng oras, madadaan sa biro ang mga bagay-bagay. Pero sana nga, minsan wini-wish ko na sana pwedeng i-joke nalang yung mga nangyare, para pwedeng ipawalangbahala nalang. Kasi ang masakit sa Realidad, kapag nangyari na, wala ka nang magagawa na baguhin pa, hindi mo na kasi mababalikan yung panahon.
Walang oras na naging madrama ang Facebook status ko, hindi rin ako masyadong melancholic sa mga tweets ko sa Twitter. Pero hindi ibig sabihin na kapag ang isang tao hindi naglalabas ng problema, kumpleto na ang buhay n'ya.... Ang sakit din kasing magpanggap lang, ang sakit ding magkimkim lang. Kasi masakit ding aminin na pinipilit ko lang magpaka-saya.... Minsan nililikom ko lang yung ligaya na pwede kong makuha kase kung hindi, masasayangan ako sa oras..... Ayokong lilipas yung araw na wala akong tawa..... Nagagawa kong hindi nalang isipin ang problema, dahil ayokong maubos yung natitira kong oras.... Ginagawa ko ang lahat para hindi ako mamroblema't malungkot..... Sinusulit ko ang mga bawat sandali na pwede akong magpaka-saya, dahil alam kong dadating yung time na, hindi ko na rin magagawa kung ano man yung nagagawa ko ngayon, na magbabago na ang lahat sa takbo ng buhay ko sa isang pangyayari lang. At natatakot akong hindi ko na ulit mabalikan pa kung anuman yung mga maaapektuhan nito.
Sa ngayon, gusto ko lang gugulin yung mga susunod pang araw na pwede pang dumaan na masaya ako. Gusto ko lang mapunan yung bag ko ng fulfillment para bago man ako sumabak sa giyera, may baon ako. Ang dami kong ginagawang istorya sa isip ko na hinihiling kong mangyari s'ya isang araw, hopefully :). At gusto kong kung mangyari man yung kinakabahala ko, mangyari s'ya na handa ako at kaya ko s'yang harapin. Hindi mo kasi minsan mapipigilan ang isang bagay, paghandaan mo na lang 'to, lalo na kung pwede kang masaktan dito. Kaya kapag nand'yan na, kailangan mo nalang s'yang tanggapin.
UNPUBLISHED