Mapagbigyan
Nakakalungkot lang isipin na ang makukuha ko ay wala.
Ngayo'y pansamantala kong nararamdaman ang hangin ng pagka-bigo,
Maghapon kong iniisip ang isang bagay nang walang hinto.
At patuloy na umeepekto upang ang isip ay magdamdam,
Sa hiling kong parang kailanman na yatang hindi na mapagbibigyan.
OO, tanggap ko, tinatanggap ko, at tatanggapin kong pilit,
Kahit aminadong masasaktan sa tuwing gabi na ako'y pipikit.
Minsan may mga bagay na hindi mo maipapaliwanag nalang basta,
Dahil kahit sa sariling isip mo'y naguguluhan ka.
Kailanma'y hindi pa ako umasam ng lubos,
Sa pagkakataon kasing ito; ang pagkagusto ko ay may kahalong selos.
Alam ko din na ang gusto ko ay hindi gano'n kadaling ibigay,
Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong umasa at mag-antay.
Dahil sa bawat araw na lilipas ay maiisip kong meron nang nauna,
Oras-oras sinasaktan ako ng pagkainggit at pagkadismaya.
Sana'y napapawi nalang ang lungkot ng pakikinig sa mga kanta,
Upang kahit panandalia'y magkaro'n ng panahon na masasabi kong may saya.
At ang ngayon ay lilipas na wala man lang nagbago
At dadaan ang mga oras na ako'y maiinip sa'yo,
Ang pag-asa ko sa sarili'y unti-unti nang nauubos,
Nakakapagod din kasing minsa'y umasa ng lubos.
Iiwanan ko ang tulang ito na mangangakong magaantay,
Pero sana wag naman masyadong matagal ang paghihintay.
Isang tanong na lang ang sa tingin ko'y para sa'kin ay natitira.
Kapag ako'y nabigo pa'y tiyak na madudurog nalang basta.
Akin itong titipirin para itanong sa naiisip kong panahon.
Ngunit sana'y sa mga oras na 'yon,
Hindi na ako madapa't makatanggap na ako ng magandang tugon.
Unpublished