Monday, May 2, 2011

PILIPINAS GOT TALENT LUTO!!!

Rico the Magician
Kagabi ay very dissapointed ako sa aking nakita, ako'y nakapanood ng isang "selfish" na pangyayari, pinanood ko at marahil ay napanood niyo din ang Pilipinas Got Talent kagabi bago 'yon ay alam ko na, na isa sa dalawang papasok sa Grand Finals si Rico the Magician at marami 'rin sigurong naiisip din 'yon, pinakita ang poll survey sa pamamagitan ng text kitang kita ang malaking agwat ng boto ng nangunguna at ng pumapangalawa, at ilang saglit lang ay ni reveal na kung sino yung dalawang nangunguna sa botohan, nakita ko ang litrato ni Rico sa "pangalawang pwesto" at naisip ko ng "ayun pasok sabi ko na!!" kaya nilipat ko ito sa UFC (channel 74) nung nagcommercial ay ibinalik ko ulit sa channel 2 nakita ko na may dramang nagaganap, nasa stage si Rico the Magician at yung Madrigal Siblings nasabi ko tuloy sa isip ko (akala ko pasok na si Rico??) hindi pa pala pipili pa ang mga judges nagulat ako dahil bakit ganon?, anlaki ng lamang sa text votes alam na na panalo bakit pipili pa?, naunang pumili si Sir FMG sinabi niya ang pangalan ni Rico 1 point na, susunod na sila Ms. Kris at AiAi nagiiyakan sila di sila agad nagsalita mayamaya'y si Kris ang susunod na pipili andami niyang sinabi nagsorry siya kay kuya Rico 'yun pala ay pipiliin niya ang Madrigal Siblings, napunta lahat ang pressure kay AiAi parang ganun din ang sinabi niya nagsorry din siya kay kuya Rico tapos binanggit niya na sa Madrigal Siblings ang boto niya. 

Alam niyo yung unfair?? kasi obvious na obvious na talagang dapat na manalo si Rico the Magician gumamit pa sila ng text vote bago di naman pala dun nakasalalay, tapos sasabihin ni Kris: "Sorry Kuya Rico kasi kung alam ko lang na pipiliin din niya yung Madrigal Siblings sana Ikaw na lang ang pinili ko" nagtataka ako kasi nga bakit pa niya pinili yung Madrigal Siblings kung alam naman niya na dapat talaga ang manalo ay si kuya Rico, maririnig mo din yung sigawan ng mga tao sa PAGCOR theater na puro Rico, Rico, Rico ang sinisigaw, hindi ba't marami din silang pinauwi nung audition kasi sabi nila "hindi pang Pilipinas Got Talent yung Act" tapos si Rico sinabihan nilang pang "World Class" hindi man lang nakabilang sa finalist?? pano nalang ang iisipin ng iba diba professional ang PGT? bakit may ganun? kumbaga sa grade may pasang awa marami tuloy nagiisip na kaya nanalo ang Madrigal Siblings dahil naawa yung dalawang Judge, sana tatlong kagaya  ni FMG na lang ang mga Judge!!
dahil tuloy sa pangyayari na 'yon maraming bumabatikos sa PGT