Monday, October 31, 2011

Vacation in IloIlo

Well as we planned to have a vacation to my godfather's house in Iloilo i also planned to take note all the happenings in our 3 day trip in the place that i can say the one of the great city's where I've been before. I bring my notebook para naman doon ko masulat yung mga pangyayari taz yung iba nakasave sa drafts ng phone ko.

Wednesday Eve.
Hindi na ako natulog kasi 1am kami ng madaling araw aalis dito sa bahay, ambilis ng biyahe, wala man lang traffic, iba talaga kapag gabi ka bumibiyahe. Sa mga oras na 'to nakikinig lang kami sa mga nocturnal na DJ sa radyo, si Congratulations at si Shalala ang guest ng dj waw. Pero habang palayo kami sa bahay namin parang nakakaramdam ako na parang may nakakalimutan pa akong dalhin. ewan ko ba kapag may pupuntahan talaga kaming malayo parang may nalilimutan pa ako.

Weird
Nakakita ako ng weird sa daan habang papunta kami sa airport. pagdaan ba naman kasi namin sa binakayan may nakita akong lalakeng nagbabike imagine 1:30 am na men.! at syempre cavitex kami ambilis lang ng biyahe, nagmimistulang pasko dahil parang mga Christmas lights yung mga streetlights sa gitna ng kalsada.

Coastal
Pagdating namin sa coastal road pinlay ko na ang playlist ko unang una na song na narinig ko yung the man who can't be moved ng The Script, napansin ko din na kapag mga ganitong oras pala eh puro mga lalaki lang yung mga naniningil sa tollgate. at next song it will rain ni Bruno Mars ang sasarap pakinggan ng mga ganitong kanta kapag nga nasa biyahe ka bago tahimik ang paligid.

Airport bound.
OK airport bound, konti lang ang tao ngayon dito, pero hanep yung mga store dito duty free yata to puro doble kasi ang presyo, at bigla biglang may pumukaw ng pansin ko siyet! yun na namang nakayellow na girl, ang ganda swear! Sayang di namin siya kasabay sa plane. sa CEBU kasi siya papunta anyway habang naghihintay ng go signal para papasukin na kami sa eroplano isang kanta lang ang pinapakinggan ko (yung naririnig mo siguro ngayon habang binabasa mo to).

Palipad na.
at eto na nga nakasakay na kami ng eroplano, ang ganda ng pwesto ko yun nga lang madilim pa kasi mga 5 am pa lang yata yun at bumwelo na ng malayo ang eroplano na sinasakyan namin ilang saglit pa ay biglang bumulusok paitaas ang lumilipad na sasakyan ayy ang ganda ng view dahil nga gabi eh kitang kita mo yung mga ilaw ng building at iba pang bahay na matatanaw sa baba :D parang pasko lang!. Ang sarap pagmasdan sayang at di ko nakunan agad ng picture. hindi ako natulog nong mga sandaling iyon naisip ko palaging mararanasan dumating nga ang sandali na maguumaga na sa tingin ko ako ang unang nakakita ng sunrise ng araw ng Huwebes (sa aking palagay lang naman)

Unang araw.
Paglapag namin sa airport ng Iloilo ang linis, parang wala bang basura na makikita ka umaga na nung nakarating kami siguro mga 5:30? ewan ko basta maliwanag na nun haha ayun sakay kami taxi grabe habang nasa biyahe ang ganda ng makikita mo puro greenfield at wala man lang traffic diretso lang ang sasakyan titigil lang kapag nasa pupuntahan ka na, nakita ko pa nga ang SM City Iloilo eh na pinuntahan namin nung second day namin (Biyernes)  
SM City Iloilo
wala pang kataotao nung mga oras na nakuhanan ko to sa phone ko ang aga pa kasi nung mga oras na yun. 

Nang makarating na kami sa tutuluyan namin na bahay (house ng Ninong at Ninang ko) gulat sila kasi surprise ang lahat hahaha wala kami kasing sinasabi napupunta kami ayun bigla sila at dahil di ma kami kumakain drive muna kami papuntang Jolibee mahilohilo pa ko non, ganon daw talaga kapag sumakay ka ng eroplano (eto siguro yung jet lag). tapos ayun na kwentuhan, tawanan at pahinga ang mga naganap sa unang araw namin.

Pangalawang araw
Pagkagising ko kinabukasan (Biyernes) ayos naman ang tulog ko nalaman ko na may plano pala silang i-tour kami sa araw na 'yon sakay ng service nila inikot kami sa City ng Iloilo pinakita samin yung Guimaras Island malapit lang pala yun don. ang ganda ng dagat sa kanila kulay blue ang tubig. Nagsimba din kami sa simbahan ng bayan nila.

pagkatapos non diretso kami sa SM Iloilo, sabi nga ng pinsan ko madami daw kaming makikitang gwapa dito sa mall (gwapa *magandang babae sa Ilonggo) haha at tama nga pagpasok ko pa lang meron na kong natanaw hindi lang isa kundi marami pa hahaha!

Treat din kami nila manood ng sine pinanood namin yung "Praybeyt Benjamin" haha pagpasok pa lang namin tawanan na ng tawanan yung mga nanonood standing pa nga eh sa hagdan pa nga kami umupo buti at matatapos na yung palabas at nakaupo din kami sa talagang upuan. Sabi ko talaga sa sarili ko dati hindi na ko manonood ng Tagalog movie pero matapos nga nitong Praybeyt Benjamin nako "shame on me" dahil sinabi ko yon haha tawa ako ng tawa eh sulit ba!. sinabi ko kasi yon matapos kong mapanood dati yung Panday ng GMA films nung december 2009 yata yon eh kasi walang pagpipilian puro tagalog mga pinapalabas kapag pasko diba. Ewan ko siguro talagang di ako nagagandahan sa mga movie ng GMA ewan ko lang sa inyo? :D

At ayun masasabi ko nga na mas mukhang City pa yung Iloilo City kesa sa Cavite City. kung titingnan mo kase mukhang asensado yung lugar ang dami mo kasing makikitang mga building, groceries mga restaurant kapag nilibot mo ang lugar.

Ikatlong araw.
Ikatlong araw oh ang huling buong araw na pananatili namin sa lugar ng Iloilo hindi masyadong maganda ang gising ko kasi nakakaranas ako ng tonsillitis pagising ko haha! at nakakaramdam ako ng kulang kasi Sabado na alam kong may laban ang favorite team ko sa PBA at hindi ko pa alam kung anong channel ba dito sa TV dito ang AKTV pero anyway.

Cable sila dito eh kaya ang daming palabas, napanood ko nanaman yung Toy Sory 3. isa talaga to sa pwede kong isa sa mga magagandang movie na napanood ko naiyak nga ko sa ending nito nung una ko tong mapanood sa theater eh haha ang ganda kasi ng story kaya hindi talaga maiitatanggi na kasama to sa top 10 ng All-Time Worldwide box office tapos nanalo pa ng dalawang Oscars kahit animated movie lang siya, oh diba asteg daig pa ang Twilight lol.

Ayun tour ulit kami pero pinsan ko naman ang magti-treat samin laro kami sa isang computer shop sa City tapos ayon may nagtext maymagaupdate na sakin ng game ng Bmeg buti na lang di talaga kasi kumpleto ang araw ko kapag di ko mapanood to pero ayos na kahit update lang, kain ulit kami sa labas bili ng mga souvenir items at T-Shirt para naman remembrance na pumunta kami sa magandang lugar na 'to.

Paguwi namin diretso kwarto kami para magbihis nagtry ulit ako hanapin yung channel ng AKTV sa cable nila at wew!, finally nahanap ko hahahaha! salamat naman at hindi ako makaka-skip ng isang game ng favorite team ko.

Pero natapos ang game na natalo ang aking bet na manalo haha pero sambot naman kahit talo dahil napaka exiting ng game napatambling pa nga kami dahil dito sa play na to:
isang napakamemorable na laro nanaman dahil sa isa sa favorite basketball player ko na si James Yap at tulugan na lilipad na ulit kami kinabukasan

Pauwi na
Maaga nanaman ang gising 4:00 am pero ang flight namin 6am pa. pero iba naman ngayon kasi umaga makikita ko yung mga hindi ko nakita sa unang sakay namin papunta sa iloilo. idedescribe dito haha

Gaya neto dahil umaga kita namin ang ulap ayos ganito pala ang view mula sa taas

Hahahaha eto nagulat ako nung una ko tong makita sabi ko, siyet Bulkang Taal?, hahaha Oo nga na confirmed ko yan kasi nakita kong andaming mga fish cages sa gilid nakita ko pa nga yung school namin eh sayang di ko lang nacaptured! 

Eto yung mga picture naman nung papunta pa lang kami di ako talaga natulog nakita ko ang unti-unting pagsulyap ng liwanag sa kalangitan ang sarap maranasan haaaay.




At sa wakas nakauwi na kami sa bahay, miss ko na ang sinangag sa almusal at ang infinite kong tulog at time sa pagkocomputer hahaha.

Pero syempre nagpapasalamat ako kay Bro. dahil nakaalis at nakauwi kami ng ligtas ng walang nanyayari na masama sa amin.

Thanks for Reading! :D

Sa biyaheng ito may isa talaga akong kanta na paulit ulit kong pinapakinggan yan tong una mong narinig na kanta habang binabasa mo 'to.

Sa wakas tapos na dapat kahapon pa to kaya lang hilo pa talaga ako kahit ngayon haha sana may GWAPA na magbasa haha.